Saturday, May 13, 2017

🤣😰😅Syotang nag-revenge kuno (joke time)

"SWEET REVENGE!"

Shoutout dun sa ex kong tarantado! Hoy Manuel kamusta na kayo nung bago mo? Hahahaha! Kayo pa ba? Feeling ko hindi na hahahaha! Napakagago mo alam mo ba yon? Pero mas gago ako at alam kong alam mo na ngayon! I'd like to share my seeet sweet revenge against my ex. He definitely deserve this, so before you judge just hear me out, 'kay?

Manuel, he's just your typical guy. Hindi nag sstand out, walang porma, di naman kagwapuhan pero malakas ang appeal, for me. He courted me for almost 8mos. then sinagot ko sya kase nakita at naramdaman ko naman na mahal nya ko, noon. 2yrs na kami and mag 3yrs na sana kami this coming September but shit happened. Lumandi si gago. I know may pagkukulang ako sa kanya pero hindi yon dahilan para maghanap sya ng iba. 3mos. nanlamig sya, di na tumatayo yung ano nya kase nanlalamig na. Joke! Hahaha anyways, naramdaman ko na unti unti na syang nagbabago, every other day nalang sya magtext at kung magtetext man eh patulog na. Basta yon, mga signs na ginagago ka na ng jowa mo. Di ko na papahabain, basta nahuli ko syang may kinakatagpo and nagmomotel sila nung pinalit nyang mukhang oregano. Iyak ang lola mo bes! Iyak ng iyak at qiqil nya cii acqu0h! So nagplano ako, idea to ng tropa ko talaga.

Feb. 17 birthday nya, sabi ko sa family nya isusurprise namin sya. Di alam ng family nya na billiard player ang anak nila at may sinasargong iba. Hahaha! The night before ang bday nya, nagkita kami at kinalikot ko phone nya, magkikita sila sa bday nya may surprise daw sa kanya yung puta nya! OMG! Napakasweet no? Bumili ako ng poppers, cake, at balloons para kapani paniwala. Sabi ko sa family nya dadalhin ko sya sa isang hotel at dun issurprise, dun sa meeting place nila. Na coordinate ko na agad yung receptionist ng hotel na may surprise kuno at pumayag naman sila, di ko na babanggit ang name ng hotel for their sake. So eto na nga, bday na nya. Mas excited pa ko sa kanya syempre. 12noon ang tirahan nila este kitaan nila then 2pm namin sya issurprise. Pagpatak ng 2pm, pumasok na kami sa hotel, sinabi ng receptionist samin yung room and binigyan kami ng keycard. Nasa elevator palang ako naiihi na ko sa kilig, kasama ko pa nanay, tatay, tatlo nyang kapatid tsaka yung tiyuhin nyang maton. Hahaha! Maya maya nasa tapat na kami ng room nila. Hawak ko yung cake tapos hawak nila yung poppers and balloons.

N.V

Ako: Ganito po gagawin natin, pagkabukas ko po ng pinto i pop nyo agad yung poppers tapos sisigaw tayo ng Happy Birthday Manuel! We Love you!

Okay daw okay, excited din sila hahahaha

Eto na! Bigla kong binuksan yung pinto, tapos kumaripas sila sa loob. Inilabas ang popper.

*Booom!*

Sila: Happy birthday Manuel! We love..

Ako: OMG!

NAKITA NAMIN SI MANUEL NAKAPATONG SA BABAE NYA HAHAHAHA MAS MAPUTLA PA SA PASYENTENG NA DENGUE SI TANGA HAHAHAHA! DI ALAM KUNG PAANONG TAKIP ANG GAGAWIN.

Tatay: P*t*ngina mo!!!

Ako: bakit mo nagawa samin to?! 

Kumagat muna ako sa cake bago ko itapon sa may tiyan nyang nalaglag sa pototoy nyang hero sa dota, yung may hawak na puno tapos golem. 😂

After non tumakbo na ko palabas di dahil naiiyak ako kase natatawa ako hahahahaha! Hanggang ngayon di pa ko nagpaparamdam sa kanila. Hahahahaha! Sweet revenge! Pero masakit parin. Sobrang masakit parin. Hahahaha! Tangina ka Manuel! 

Jessa
2014
Other

No comments: